Lalarong host ang Pilipinas para sa idaraos na Group Stage ng 2016 AFF Suzuki Cup sa Nobyembre 19-26.

Ito ang ibinalita ng Philippine Football Federation (PFF) sa kanilang official website kasunod ng napabalitang umurong ang bansa sa siyang nakatokang event host.

Sa kanilang pinakahuling post, inihayag ng PFF na kinumpirma ng AFF Council ang paglahok ng Pilipinas sa darating na Suzuki Cup na gaganapin sa Philippine Sports Stadium sa  Bulacan.

Nakasaad sa ginawang post ng PFF ang kumpirmasyon ng AFF Council ng hosting ng bansa ng Group Stage ng AFF Suzuki Cup na umano’y isang hamon para sa buong organisasyon ng PFF at lahat ng football stakeholders sa bansa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil dito, magkakaroon muli ng pagkakataon ang mga Pinoy football fans na mapanood at masuportahan ang Philippine Azkals sa kanilang pagsabak kontra sa pinakamahuhusay na football team sa Asia . - Marivic Awitan