Itinalaga ng PBA Board si PBA Commissioner Chito Narvasa bilang bagong Chief Operating Officer (COO) ng liga kasunod ng naganap na special board meeting kamakailan.

Ayon kay PBA Media Bureau chief Willie Marcial, si Narvasa na ang mauupong CEO batay sa napagdesisyunan ng Board of Governors.

Pinalitan ni Narvasa si PBA chairman Robert Non na siyang pansamantalang humawak sa posisyon makaraang magbitiw ni dating commissioner Chito Salud noong nakaraang Disyembre.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil sa appointment ni Narvasa, balik sa dating organizational structure ang liga kung saan ang commissioner ang siya ring tumatayong CEO.

Sa parehas ding meeting, muling ibinalik ang nagbitiw din na dating marketing director ng liga na si Rhose Montreal, ayon kay Marcial.

Ang naturang desisyon ay napalooban ng kontrobersiya bunsod ng panloloko ni Montreal sa kanyang mga isinumiteng kredensyal sa liga. (Marivic Awitan)