Kalaboso ang isang pedicab driver matapos siyang ipakulong ng mga magulang ng anim na taong gulang na babae na umano’y minolestiya niya sa loob ng kanyang ipinamamasada sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kasong rape na may kaugnayan sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang isinampa laban kay Roberto Francisco, 27, ng Bagong Sibol Street, Barangay 28, Dagat-Dagatan, ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ng biktima, Miyerkules ng umaga nang inihatid siya ni Francisco sa kanilang paaralan.

Dahil bangag sa ipinagbabawal na droga, minolestiya ng suspek ang bata at dinaliri.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pag-uwi ng bahay, nagsumbong ang paslit sa kanyang ina.

Dahil dito, dakong 10:00 ng umaga ay tumawag ng barangay tanod ang ina ng biktima at ipinaaresto si Francisco.

(Orly L. Barcala)