Arestado ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang lalaki na nagbenta ng kotse, na may pekeng car registration, matapos matalo sa sugal sa isang hotel casino sa Metro Manila.

Base sa report ni NCRPO chief Director Joel D. Pagdilao, kinilala ang suspek na si Angelo Dacudao, 35, ng No. 45 Elwood Street, Barangay Old Balara, Quezon City.

Si Dacudao ay nakapiit sa Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) makaraang kasuhan ng estafa through falsification of public document sa Parañaque City Prosecutors’ Office.

Lumitaw sa imbestigasyon ng RPIOU na dakong 10: 40 ng gabi nitong Miyerkules nang isinagawa ng awtoridad ang entrapment operation laban kay Dacudao matapos itong magbenta ng Ford Focus Titanium edition (AAC-6633) sa halagang P330,000 sa Remington Hotel, Newport Boulevard sa Parañaque gamit ang pekeng car registration.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Ang entrapment operation ay ikinasa sa reklamo ni Navy Lt. Benjie Basas matapos malaman ng huli na ang kanyang sasakyan ay ipambabayad umano ng suspek sa casino sa nasabing hotel matapos itong matalo sa sugal. (Jun Fabon)