inigo-miles_please crop copy copy

MARAMI ang nagtaka kung bakit nagpapa-cute sa mga sagot ng magka-love team ngayon na sina Iñigo Pascual at Miles Ocampo nang humarap sa reporters sa finale presscon ng And I Love You So na napapanood sa Kapamilya Gold.

May nagtanong kung may namamagitan na ba sa kanilang dalawa dahil napansin na masyadong touchy si Iñigo kay Miles, at nakita rin naming humawak ang batang aktor sa beywang ng dalagita at sabay dukdok ng ulo sa likod.

“Mas naging close po kami ni Miles,” matipid na sabi ni Iñigo sabay hirit naman ni Julia Barretto ng, “sobrang safe naman ang answer.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“The last time that we hang-out was when we were kids, ‘tapos ngayon lang kami ‘yung I guess, serious topics napapag-usapan naming,” dagdag ni Iñigo.

Speechless naman si Miles, panay lang ang ngiti nang tanungin ng press. Pero ipinaliwanag ng dalagita ang tungkol sa paghawak-hawak ng young actor sa kanya.

“Ano kasi siya, very touchy na super sweet kasi niya, touchy in a way na sweet na ganyan. Hindi po, iyon nga po, siguro mas nag-ano nga ang friendship namin kasi, mga bata pa kami sa Quiapo lang kami nag-uusap pero ngayon medyo seryoso na ang pinag-uusapan namin ngayon,” paliwanag ng young actress.

Sa totoo lang, wala kaming nakuhang malinaw na sagot kina Inigo at Miles dahil paikut-ikot lang ang mga pinagsasabi. Kaya pakiramdam namin ay James Reid at Nadine Lustre part two ang dalawa.

Kaya kahit tapos na ang Q and A portion, tinutukan pa rin sila ng reporters.

Natawa si Miles nang prangkahin namin ng tanong kung sila na ba.

“Ano po, magkaibigan kami ni Iñigo,” sagot niya.

Nakikita ba nila ang isa’t isa as boyfriend/girlfriend material?

“I do see Miles as girlfriend material,“ mabilis na sagot ng batang aktor, “because maalagain, sobrang bait and I guess, she’s always there for me and nakakatawa.”

“Ay, clown pala ako,” hirit ng dalagita na nagsabing, “opo naman,” kung boyfriend material si Iñigo. “Kasi maalaga naman siya, siguro… opo, boyfriend material.”

Nakaharap si Miles nang hingan ng reaksiyon si Iñigo tungkol sa paglabas-labas nina Diego Loyzaga at ex-girlfriend nitong si Sofia Andres.

“Magkakaibigan po kami, lalo na kami ni Diego, I mean to be honest, like Sofia and I have special friendship before, nag-usap din po kami ni Diego. Magkakatrabaho po kami actually. There’s no bad blood. No matter what, we’re still friends, past is past and we had moved on,” sabi ng batang aktor.

Pinagmasdan namin si Miles, na pangiti-ngiti lang, habang sinasabi ito ni Iñigo, at tinanong kung siya ba ang nakatulong sa binatilyo na maka-move on.

Naaliw kami sa reaksiyon ni Miles, kasi kinikilig, kaya diniretso namin ng tanong. ‘Kinikilig ka, Miles?’

“Nakakatawa po kayo, eh, ha-ha-ha,” sabi ng batang aktres.

At si Inigo, “Nakatulong po ang show, we’re friends, magkakaibigan po kami.”

Part two ba sila ng JaDine?

“Magkaibigan lang po talaga kami,” sagot ni Miles.

Inamin ng dalaga na sa lahat ng naka-loveteam niya ay si Iñigo ang nag-work o may chemistry sila, at umaasa sila na sana ay masundan ang And I Love You So.

Samantala, best of friends off-camera sina Miles at Julia, kaya tinanong namin ang una kung naging shoulder to cry on ba siya ng huli nang maghiwalay ang huli at si James na ipinagsisigawan na sa buong mundo na mahal na mahal niya si Nadine.

“Lahat po kaming magkakaibigan sa set nagse-share-an kung anong experience sa life, mga kuwento,” paiwas na sagot ni Miles.

Humirit uli kami ng tanong, pero hinila na ng handlers nila sina Iñigo at Miles.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng And I Love You So ay paghahanap sa katotohanan at paglaban para sa karapatan ang mamamayani sa tapatan nina Michelle (Dimples Romana) at Katrina (Angel Aquino) at mga anak na sina Joanna (Miles) at Trixie (Julia).

Ngayong alam na nina Joey (Benjie Paras) at Michelle ang matagal nang itinatagong ugnayan nina Katrina at Dexter (Jay Manalo), hindi makapapayag ang dalawa na masira ang kanilang mga plano kaya susunugin nila ang bahay nina Michelle na ikapapahamak ng kanilang buhay.

Ngunit agad iikot ang kanilang kapalaran dahil mahuhuli ni Trixie sa aktong paghahalikan sina Katrina at Dexter, dahilan para lalong kamuhian ni Trixie ang ina.

Ngayong alam na niya ang lihim ng kanyang ina, malaman na rin kaya ni Trixie na si Dexter ang kanyang tunay na ama?

Mapatunayan kaya nina Michelle na may kaugnayan si Katrina sa pagkasunog ng kanilang bahay? Maipaglaban pa kaya nila ang kanilang karapatan bilang mga tunay na Valdez?

Samantala, nadulas si Julia bago mamaalam sa finale presscon na magiging mabait ang papel niya sa pagtatapos ng AILYS.

Abangan ang natitirang siyam na araw ng And I Love You So mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Jon Villarin handog ng Dreamscape entertainment na nasa likod ng nasa phenomenal hit dramas na FPJ’s Ang Probinsyano, On the Wings of Love at Doble Kara. (Reggee Bonoan)