Angelica P copy

MENDING a broken heart ba si Angelica Panganiban na nasa Bali, Indonesia ngayon?

 

Pero mukhang masaya naman si Angelica with her friends sa posts niya sa kanyang Instagram (IG) account at sa pamamasyal nila sa mga lugar doon na parang Pilipinas na may ricefields din na may mga bagong tanim. May ipinost pa siyang Holy Water Pond na sabi ng isang nag-comment, kung naligo raw ba doon si Angelica.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tuwang-tuwa sa pagko-comment ang fans ni Angelica dahil ang payat-payat at sexy siya sa photos. Caption niya: “Off lotion. Panglaban sa lamok at pangdagdag-ganda. Night out in Bali #SweetBaliHigh2016.”

Sayang nga lamang na hindi nag-post si Angelica ng ibang pictures niya.

Kung hindi kami nagkakamali, last year ay magkasama silang pumunta ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz sa Bali. 

Comment ni @soleil817: “Hi, @angelicap, ask ko lang kung paano ka pumayat ng ganyan. Share mo naman, o, thanx.” Ayon naman kay @jennjones: “Hi, Ms. Angelica. Ang sexy mo, paano mo na-achieve ung ganyang figure, you can share it with us. Para naman madami tayong sexy.”

Kaya lang, may mga naliligaw na nag-post na tagakabilang kampo at nag-away na sila tungkol sa kung totoo ba ang boobs ni Angelica o fake, na siyempre ay ipinagtanggol ng fans niya na wala raw fake sa idolo nila at sinabihan pang boring daw siguro ang IG ng kanyang idolo kaya doon siya nagpunta at bina-bash niya ang pagpayat ni Angelica na bagay na bagay daw naman sa actress.

Gumanap si Angelica bilang si Madam Claudie sa katatapos lang na Pangako Sa ‘Yo at patuloy din siyang napapanood every Sunday sa Banana Sundae. (NORA CALDERON)