Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) na hanggang Marso 7, 2016 na lang ang deadline para sa mga nais mag-apply sa local absentee voting (LAV) para sa eleksiyon sa Mayo 9.

Ayon sa Comelec, batay sa Comelec Resolution 10003, maaaring mag-apply sa LAV ang mga kawani at opisyal ng gobyerno, mga pulis, mga sundalo, at mga mamamahayag, na may gagampanang tungkulin kaya hindi makakaboto sa Mayo 9.

Nabatid na idaraos ang LAV sa Abril 27, 28, at 29, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. - Mary Ann Santiago

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'