Pinigilan ng Springdale-backed Mandaue Titans mula sa Parents for Education Foundation (PAREF) ang lokal na kampeon na Linao National High School St. Mark Warriors sa isang field goal sa huling dalawang minuto upang itala ang 55-53 panalo sa National Basketball Training Center (NBTC) Visayas Regional Finals kamakailan sa Ormoc City.

Agad sinimulan ni Titans team captain Jay Sainz ang laro sa paghulog ng 5-0 puntos, ngunit agad na gumanti ang Warriors sa sumunod na limang minuto upang ihulog ang 11-0 run para agawin ang abante.

Nagpalitan sa pagkapit sa bentahe ang magkabilang panig bago kumana si Jett Sy sa krusyal na sandali par maagaw ang titulo sa Warriors.

Pinamunuan ni Sy ang Titans sa itinalang 15 puntos habang nag-ambag si Sean Quitevis ng 12. Namuno si Paul Bernard Belacho sa Warriors na may 18, habang nagtulong-tulong sina Ernesto Samson Jr, Roegen Allera at Ruben Cabardo Jr. para sa kabuuang 25 puntos

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bagama’t nabigo, sasamahan ng Warriors ang Titans sa NBTC National Finals na isasagawa sa Marso 13 sa Mall of Asia Arena. (Angie Oredo)