ateneo copy

Kapwa naisara ng reigning champion Ateneo de Manila at Adamson University ang first round ng eliminations sa impresibong pamamaraan sa UAAP men’s volleyball tournamen,t kahapon sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng Blue Eagles, sa pangunguna ni reigning MVP na si Marck Espejo na may 15 puntos, ang National University Bulldogs, 25-19, 25-15, 25-15, para mapanatili ang sosyong liderato sa Adamson University.

Ginapi naman ng Falcons, tanging koponan na dumungis sa Eagles, ang University of Santo Tomas, 25-12, 18-25, 25-21, 25-22.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Magkasosyo ang Eagles at Falcons sa 6-1 karta.

“NU is still a strong team pero siguro, naka-block kami. Alam kong No. 8 kami sa blocking ngayon so we concentrated on that,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Bagsak ang Bulldogs sa 4-2, habang laglag ang Tigers sa standings na may 1-5 marka.

Taliwas sa inaasahang dikitang laban, hindi nakaporma ang Bulldogs sa matikas na opensa ng Blue Eagles. “I’m happy sa nilalaro ng mga players ko, medyo nag-respond sila sa sinasabi ko sa kanila, sa instructions ko sa kanila,” sambit ni Almadro.

“Like what I’ve said before, itong week na ito mahaba pero we are mentally prepared kaya ‘yun siguro ang naging edge namin.”

Nanguna sa NU si James Natividad na may 8 puntos. (Marivic Awitan)