Upang maging kapaki-pakinabang, halos dalawang tonelada ng campaign materials, na binaklas at nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga ipinagbabawal na lugar, ang nai-donate na sa simbahan at sa non-government organization (NGO) para ma-recycle.

Mismong si MMDA Chairman Emerson Carlos ang nag-turn over kay Fr. Joemar Sibug, ng Dominican Missions of Santo Domingo Church, sa nasabing recyclable materials.

Ang donasyon ay gagawing mga bag na ipamamahagi sa mahihirap na estudyante sa Babuyan Islands.

Noong nakaraang linggo, nagbigay na ang MMDA ng pitong toneladang binaklas na campaign materials sa EcoWaste Coalition para gawing recycled products. (Bella Gamotea)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho