Tatlong katao ang malubhang nasugatan matapos maghuramentado ang isang houseboy na umano’y lulong sa ilegal na droga sa Malabon City, kamakalawa.

Nagpapagamot ngayon sa Valenzuela Medical Center si Ronge Lyka Mariano, 19; habang ang kanyang mga kasamahan na sina Mercilie Malig-on, 29; at Rodel Haveria, 27, ay isinugod sa MCU Hospital dahil sa tinamong saksak sa likuran at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, naghihintay ng masasakyang jeep sa MacArthur Highway sa Barangay Potrero ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagsasaksak ang tatlo, dakong 7:30 ng umaga nitong Miyerkules.

Sinabi rin sa ulat na kinuyog din ang suspek, na nakilalang si Julay Beliherdo, 18, ng San Andres, Iloilo, ng mga residente sa lugar bago siya inaresto at inilipat sa kustodiya ng pulisya. (Ed Mahilum)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho