May kabuuang walong gintong medalya sa seniors at juniors class ang nakataya sa unang araw ng kompetisyon sa 91st NCAA athletics championship ngayon sa Philsports track and field oval sa Pasig City.

Nakataya ang unang ginto sa senior pole vault kasunod ang finals sa juniors’ discus throw at long jump, gayundin ang seniors long jump sa labanan sa umaga.

Paglalabanan naman sa hapon ang apat na kampeonato sa seniors discuss throw, seniors at juniors 100 meters at juniors 2000m.

Puntirya ng Jose Rizal University na mahila ang dominasyon sa liga na kanilang napagbidahan sa nakalipas na limang taon.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ngunit, napilayan ang Bombers sa pagkawala ni Mark Harry Diones, ang kampeon sa triple jump sa five-peat title ng Kalentong-based school.

Noong 2014, nalagpasan ni Diones ang NCAA record sa 15.53-meter. Nailista niya ang pinakamatikas na marka sa 14.49 meters noong 2012.

“We lost some of our top players so expect the competition to be a little tougher this year,” sambit ni Jose Rizal coach Jojo Posadas.