Tiniyak ni WBO No. 1 at mandatory contender Jessie Magdaleno ng United States na hahamunin niya ang kampeong si Nonito Donaire Jr. matapos itala ang panalo kay Pinoy super bantamweight Rey Perez kamakalawa ng gabi sa Celebrity Theater sa Phoenix, Arizona.

Tinalo ni Magdaleno si Perez via 7th round knockout matapos tamaan sa bodega ang Pinoy journeyman eksaktong 2:51 sa ikapitong round.

“Filipino Rey Perez, a late substitute, has been knocked out by WBO No. 1 ranked super bantamweight Jessie Magdaleno in the main event of a fight card at the Celebrity Theater in Phoenix, Arizona,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“The unbeaten Magdaleno who is also rated No. 3 by the WBA, No. 5 by the IBF and No. 10 by the WBC, dominated Perez before nailing him with a vicious body shot to end the contest at 2:51 of the 7th round of a scheduled ten-round bout,” dagdag sa ulat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dapat na ang makakalaban ni Magdaleno ay ang Pilipino ring si Edwin Mansito na hindi nakakuha ng US visa kaya lumaban na lamang sa Mazatlan, Mexico at natalo kay two-time world title challenger Alberto Guevarra kamakalawa rin ng gabi.

Napaganda ni Magdaleno ang kanyang rekord sa perpektong 23 panalo, 17 sa pamamagitan ng knockouts at maghihintay na lamang sa magwawagi kina Donaire, na idedepensa ang WBO super bantamweight title nito kay Hungarian Olympian Zsolt Bedak sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa Abril 23. (Gilbert Espeña)