Nasawi ang isang 65-anyos na babae makaraan siyang ma-trap sa loob ng nasusunog niyang bahay sa Barangay San Joaquin, Pasig City, bago maghatinggabi nitong Linggo.

Nakilala ang biktimang si Norma Patron, 65, na hindi nagawang makalabas ng bahay dahil may sakit ito at matagal nang bedridden.

Ayon sa BFP, nagsimula ang apoy sa tinutulugan ng mga trabahador sa kalapit na construction area. Mabilis na kumalat ang apoy dahil madaling masunog ang materyales na ginamit sa pansamantalang tuluyan ng mga trabahador at nadamay ang ilang bahay ng may 20 pamilya, kabilang ang bahay ni Patron.

Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog, gayundin ang halaga ng naabong ari-arian. (Mac Cabreros)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget