KALAMAZOO, Mich. (AP) – Sakay sa kanyang dark blue car, isang matandang lalaki ang naglibot nitong Sabado ng gabi sa Kalamazoo, Michigan at parang walang anumang pinagbabaril ang sinumang nakikita niya sa mga parking lot sa tatlong lokasyon, na ikinamatay ng anim na katao habang tatlo naman ang sugatan, dalawa sa mga ito ay kritikal, ayon sa pulisya.

Sa ulat kahapon ng hapon ay tinutugis na ang hindi pa nakikilalang suspek, na inilarawang nasa edad 50s, puti, at lulan sa isang dark blue na sasakyan.

Ayon sa pulisya, walang partikular na target ang suspek na napagtripan lang marahil na mamaril, pasado 6:00 ng gabi.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo