JASMINE copy copy

HINDI na nakapagpigil si Jasmine Curtis-Smith, sinagot niya ang isang basher sa Instagram na nag-react sa kanyang post ng pasasalamat sa flowers na ibinigay ng kanyang Team Clingy.

Nag-post ang basher ni Jasmine ng “Clingy? Because she’s clingy herself to her sisters bf. That’s my guess.”

Sagot ni Jasmine, “@dealicious_q Get your grammar straight before you make silly statements like that...”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sumagot pa rin ang basher ng, “Okay teacher @jascurtissmith haha” at “Have fun w/ your ksp life.”

Hindi na sumagot uli si Jasmine dahil pinayuhan siya ng kanyang fans na dedmahin na ang mga papansin na walang magawa kundi manira ng mood ng celebrities na kanilang ini-stalk sa social media.

Sa ipinost na picture ni Jasmine sa IG na picture nina Anne Curtis at boyfriend nitong si Erwan Heussaff sa birthday ni Anne, mukhang nakalimutan na ang controversial video nina Jasmine at Erwan. Puro positive comments na ang mababasa ng mga bumibisita sa IG account ni Jasmine. (Nitz Miralles)