SA temang “Unique and United” para sa 2015-2016, idaraos ng Inner Wheel Clubs of the Philippines, Inc. (IWCPI) ang 50th (Golden) National Conference nito sa Manila Hotel sa Pebrero 19-20, 2016, at magtatalumpati si International Inner Wheel (IIW) President Charlottee de Vos, na magbabahagi ng mga balita mula sa iba pang Inner Wheel Clubs sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang IWCPI conference ay isang taunang pagtitipon ng mahigit 500 babae ng Inner Wheel—karaniwan ay maybahay, biyuda, o kaanak ng isang Rotarian—mula sa siyam na distrito sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Mag-uulat naman si IWCPI National President Cecille S. Ferrer at ang mga district chairperson tungkol sa mga pagtatagumpay, programa, at aktibidad ng samahan.

Ang istruktura ng IWCPI ay isang four-step ladder, na mga club ang nasa unang baitang, pinagsama-sama ng lugar para bumuo ng isang distrito sa ikalawang baitang, at kasama ang iba pang mga distrito ay bumubuo sa pambansang governing body sa ikatlo, habang ang pagiging kasapi naman nito sa IIW ang huling baitang.

Nagsasagawa ang IWCPI ng mga proyekto para sa komunidad na tumutulong sa pagpapabuti sa buhay ng mahihirap, tinuturuan sila tungkol sa kanilang mga karapatan, at nag-aalok ng mga development projects para sa marginalized sector (mga bata, matanda, biktima ng kalamidad, kababaihan, at kabataan) sa pamamagitan ng mga educational at information campaign, pagpapayo sa kababaihan at mga batang inabuso, mga scholarship, ayudang pinansiyal, mga medical mission, mga day-care center, entrepreneurship at livelihood skills training, at mga seminar na pangkalusugan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kabilang sa mga proyekto ng Inner Wheel ang: Tubig sa Barrio na magkakaloob ng malinis na tubig sa malalayong barangay; Ako ay Pilipino, isang pagsulat ng sanaysay upang maisapuso ng kabataan ang pagiging makabayan; Operations Paglingap na layong tulungan ang mga biktima ng mga kalamidad; Operations Karunungan na nagtataguyod ng hindi pormal na pag-aaral sa mga kanayunan; at Tunay na Atin, na hihimok na pahalagahan at ugaliin ang pagbili ng mga produktong sariling atin.

Ang IWCPI, na may motto na “Selflessness in Friendship and Service to Humanity”, ay isang organisasyong naglilingkod na itinatag ni Ambassador Trinidad F. Legarda noong Marso 1949 upang pasimulan ang pagtutulungan ng mga maybahay ng mga Rotarian at upang higit na masuportahan ang mga programa ng Rotary. Oktubre 1968 nang bumisita sa Pilipinas si International Inner Wheel President Maureen Lavander Weightman at iprinisinta niya ang mga dokumento ng IIW charter sa unang 15 club sa Pilipinas. Taong 1974 nang maitatag ng IWCPI ang sarili nitong pagkakakilanlan bilang isang non-government organization. Noong 1983-84, nahalal ang socio-civic leader na si Esther A. Vibal bilang pangulo ng IIW, ang unang Asyano at Pilipino na tumanggap ng nasabing parangal.

Kabilang sa mga layunin ng IWCPI ang: Isulong ang pagtutulungan at isabuhay ang diwa ng paglilingkod, pag-uunawaan, at pagkakaisa ng bawat kasapi; pag-ibayuhin ang sitwasyong pangkultura, panlipunan, pang-ekonomiya, at pananampalataya ng mamamayan at magsagawa ng mga aktibidad na makatutulong upang malinang ang pagiging makabayan; itaguyod ang pandaigdigang unawaan at pagkakaibigan; at pakikipagtulungan sa Rotary.