Mark at Wynwyn copy copy

KINILIG ang mga nakakita ng picture nina Mark Herras at Wynwyn Marquez na magkasama last Valentine’s Day na ipinost ni Mark sa Instagram. Ang ganda ng caption ni Mark sa picture nila together:

“Thank you for everything, Teresita:) Our friendship is getting deeper everyday. Thak you kasi sobra mo ‘kong napapasaya... Alam ko nanliligaw pa din ako at alam ko na hindi ako titigil kasi nga may forever sa ‘yo... Sa tamang panahon! Happy Valentine’s Day.”

Aprubado sa fans ng dalawa na maging sila at maghihintay din daw sila hanggang sagutin ni Wynwyn si Mark... sa tamang panahon!

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Magkasama sina Mark at Wynwyn sa Little Nanay, pero hindi sila ang magkapareha. Si Hiro Peralta ang love interest ni Wynwyn at si Mark ay walang kapareha. Kaya hindi masasabing promo para sa teleserye ang panliligaw ni Mark kay Wynwyn. (Nitz Miralles)