Isang magsasaka ang pinatay umano ng kanyang kapatid sa Barangay Camarao, Narvacan, Ilocos Sur, noong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Restituto de Peralta, 80.

Nagpapastol ang biktima sa kanilang bukid ng dumating ang suspect na si Alfredo de Peralta, 70. Sinita ni Alfredo si Restituto dahil umano sa maling pagaalaga ng kanilang kambing.

Nagkasagutan ang magkapatid at bigla na lamang tinaga ng ilang beses ng suspect ang biktima sa katawan gamit ang isang itak hanggang ito ay mamatay.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kusang sumuko ang suspect sa mga pulis pagkaraan ng ilang oras. (Freddie G. Lazaro)