MARAMING Instagram (IG) followers si Angel Locsin na nalungkot at nagsimpatiya sa video post niya kay Luis Manzano habang kumakanta ito ng Love Yourself ni Justin Bieber.

Napakasaya kasi ni Luis habang kumakanta at may babae itong kasama na tumatawa.

Ang caption ni Angel sa video post, “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing “love yourself” sa myx ig. Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasapagibig.”

Sa caption ni Angel na “my ex” nakumpirmang break na talaga sila ni Luis. At sa kanilang dalawa, mukhang siya ang hindi pa nakaka-move on. Sabagay, ilang weeks pa lang naman simula nang mabalita na break na sila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kung nababasa ni Angel ang comment ng kanyang followers, matutuwa siya dahil marami ang concern sa kanya at magaganda ang mga payo. May nagsabing tuluyan na niyang i-let go si Luis.

“Let go, Angel. Someone deserves you better than him. It hurts but you wouldn’t wanna torture and feel the same hurt over and over again, don’t you? So leave him. Wait for the perfect guy for you. Mabait ka kaya sigurado may nakalaan na mabuting tao para sa ‘yo. My prayers,” payo ni legran6.

Nasa Singapore si Angel ngayon para sa second medical procedure na gagawin sa kanya para maayos na ang deperensiya ng kanyang likod. Kasama sa aayusin ang neck area niya.

Sa isang post niya sa IG, nasa hospital room si Angel at ang kanyang sabi, “Preparing for my neck procedure... This is my 2nd operation after the lumbar area. Hopefully, this will be the last. Kindly include me in your prayers.

Thank you.”

Hopefully, kapag maayos na maayos na ang kalagayan ni Angel, puwede nang simulan ang shooting ng Darna dahil sa kanya pa rin daw ibibigay ng Star Cinema ang project.

(Na-monitor ni Reggee kahapon ang latest post ni Angel, naririto: “Procedure successul..now praying for your fst recovery @therealangellocsin @Mount Elizabeth Hospital (Singapore).” So tama ba ito, data ni Reggee, sa item ni Nitz ko inilagay, he-he… --DMB) (NITZ MIRALLES)