CARACAS, Venezuela (AP) — Inihayag ng Venezuela ang unang kaso ng mga namatay kaugnay sa Zika sa South American.

Sinabi ni President Nicolas Maduro noong Huwebes na tatlong katao ang namatay sa Venezuela dahil sa mga komplikasyon na may kaugnayan sa Zika virus na dala ng lamok. Idinagdag niya na 68 katao ang naospital dahil sa mga komplikasyon na nakumpirmang may kaugnayan sa virus.

Hindi binanggit ni Maduro kung ano ang mga komplikasyong ito at kung paano nakumpirma na may kaugnayan sa Zika ang mga pagkamatay.

Iniulat ng Venezuela ang mahigit 5,000 pinaghihinalaang kaso ng Zika simula noong Nobyembre, 2015.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina