OKLAHOMA CITY (AP) — Nagluluksa ang organisasyon ng Oklahoma Thunder bunsod ng pagkasawi ng maybahay ng kanilang assistant coach na si Monty Williams at tamang ialay ang dominanteng 121-95 panalo kontra New Orleans Pelican nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nagmintis si Russell Westbrook sa target na triple-double sa naiskor na 23 puntos, 10 assist at 9 na rebound, habang kumubra si Kevin Durant ng 23 puntos at may 18 puntos si Serge Ibaka para sa ika-14 na panalo sa huling 16 laro ng Oklahoma.

Nagbigay ng ilang minutong panalangin para kay Ingrid Williams na nasawi sa isang aksidente sa sasakyan nitong Martes ng gabi.

Nanguna sa Pelicans sina Anthony Davis at Jrue Holiday na may tig-23 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa ika-40 panalo, nakasama ang Oklahoma City sa Golden State at San Antonio na tanging koponan may ganoong dami ng panalo ngayong season.

BUCKS 99, WIZARDS 92

Sa Milwaukee, hataw si Khris Middleton sa iskor na 27 puntos, habang kumana si Giannis Antetokounmpo ng 17 puntos at 13 rebound para sandigan ang Bucks kontra Washington Wizards.

Nagawang makadikit ng Washington mula sa double digits na bentahe ng Bucks tampok ang free throw ni John Wall may 1:36 sa laro. Ngunit, naisalpak ni Middleton ang jumper kasunod ang assist kay Greg Monroe para sa 97-90 bentahe ay 15 segundo ang nalalabi.

Hataw si Bradley Beal sa Wizards sa nahugot na 19 na puntos, habang nagtumpok si Wall ng 15 puntos at 10 assists.