TOLEDO CITY, Cebu – Tiwala pa rin si Sen. Grace Poe na malaki ang tsansa na maibasura ang disqualification case na inihain sa kanya base sa resulta ng ikaapat na yugto ng oral argument.

“Hindi pa tapos ang laban pero sa tingin ko malakas ang aking kinatatayuan,” pahayag ni Poe sa kanyang pagbisita sa Cebu City, na isa sa may malaking populasyon ng mga botante.

Kasama ang kanyang katambal na si Sen. Francis “Chiz” Escudero, pinasalamatan ni Poe ang mga mahistrado ng Korte Suprema na sumuporta sa kanyang apela na baligtarin ang dalawang desisyon na nagkakansela sa kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.

“Ako ay patuloy na nagpapasalamat at sinasabayan ko ng dasal na talagang malinawan ang ating mga mahistrado na marami nang apektado dito sa ating kaso… nagpapasalamat talaga ako sa kanila sa sa kanilang mga pananaw ngayon,” giit ni Poe sa isang pulong balitaan na dinaluhan ng mga lokal na mamamahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, aminado si Poe na marami na ang nakapapansin na malaki ang nabawas sa kanyang timbang nitong mga nakaraang araw.

Subalit iginiit ng senador na nananatiling maganda ang estado ng kanyang kalusugan at handa itong sumabak sa tatlong buwan na pangangampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Alam mo yung misconception na pag payat ka hindi ka healthy? Baligtad nga eh dapat kung tumaba ng sobra doon ka magwo-worry,” ayon pa kay Poe. (Mars W. Mosqueda Jr.)