“READY na akong mag-soap ulit,” sagot ni Regine Velasquez-Alcasid nang tanungin namin nang pumirma siya ng bagong kontrata sa GMA Network kung kailan siya muling mapapanood sa isang serye sa GMA-7. “Hindi ko pa alam kung sinu-sino ang makakasama ko, pero isang romantic-comedy ito, ayaw ko ng drama, masakit sa dibdib. Tatapusin ko lang ang Valentine concert ko at magsisimula na akong mag-taping. Excited na rin ako dahil last ko pang serye ang I Heart You, Pare noong 2011.”

Sinimulan ni Regine ang taping ng naturang rom-com series with Dingdong Dantes after ng kasal nila ni Ogie Alcasid.

Kahit noong nag-conceive na siya sa anak na si Nate, tuloy pa rin siya sa taping, pero nang pagbawalan na siyang magtrabaho ng doctor, huminto na siya at pinalitan siya ni Iza Calzado.  

Pagkatapos noon hanggang sa magsilang si Regine, hindi na muna siya tumanggap ng assignment sa GMA. First pa rin sa kanya ang pagpapalaki kay Nate.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ngayong four years old na si Nate, p’wede na akong magtrabaho ulit,” natatawang wika ni Regine. “At may manonood na sa akin.”

Poor Señorita ang title ng bagong serye ni Regine at makakasama niya sina Mikael Daez, Sheena Halili, Jaya, Ervic Vijandre, Jillian Ward, Kevin Santos, Valeen Montenegro, Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, Caprice Cayetano, at si Snooky Serna.  

Introducing sa Poor Señorita ang runners-up ng Starstruck 6 na sina Ayra Mariano at Elyson de Dios at si Ralph Noriega. May special participation ang actor/director na si Ricky Davao.         

  

Si Dominic Zapata ang director at mapapanood ang serye simula sa Marso. (Nora Calderon)