Sino ang magkakampeon sa pinakamalaki at pinakamagarbong World Slasher Cup?

Ang malaking katanungan ay masasagot ngayong araw sa paglatag sa pinakahihintay na kampeonato ng 2016 World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum.

Tampok ang 64 na mahahalagang labanan sa pagitan ng 32 walang-talo na mga kalahok, ang matitinding duwelo sa pagitan ng pinakamahuhusay na manok-panabong sa mundo ay magsisimula ng tanghaling-tapat.

Ang nag-iisang entry na naipanalo ang lahat ng apat na laban nito noong nakaraang Biyernes sa unang araw ng 4-cock pre-finals ay ang EP RJM AA PTM Sunhaven Bexan ni Gov. Eddiebong Plaza & Arjay Mea, na ang lahat ng tinale na ipinanalo ay palahi ni Paolo Malvar ng Sunhaven Gamefarm. Sa iskor na 7 puntos, maghihintay na lamang sila at aasa na wala ni isa ang makakaapat na panalo sa araw na ito.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sina Gov. Plaza (EP RJM Roosterville Energizer-II & SE Bukidnon EP RJM AA Platinum) at Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm AA & Blue Blade Farm AA-5RJM) na kapwa may tigalawang entry na may tig-aapat na panalo, ang mga liyamado sa labanan, samantalang sina Atong Ang (AA Cobra-3), Biboy Enriquez (Driving Force-2) at Nene Araneta (Thunderbird-1) ay nananatiling mapanganib na mga kalaban.

Wala ring gurlis ang mga lahok nina Bobby Inigo/Dennis Reyes/Jimmy Junsay (Darth Vader Jared), Dr. Marvin Rocafort/Anthony Jacinto/CDLS (El Campeon/DW), former champion Vice Mayor Jubee Navarro (J-Genesis-Lucky 7), GLA (Jump Start-1 Habagat GLA), Remy Medrano (Karamba), Cong. Khulit Alcala (Kresha Chanise), Danny Lim (LS-AA-JSF-Diego Clear Cut), Rene Medina (Lucky Chances), Jet Olaguer/Soan & Achiu (Mahakam Jet Sweater - 1), Vice Mayor Anthony Marasigan (MOA Wanda Salamanca 4 Kings-88), MJ San Pedro/Aldrin Roxas/Dfer Masiclat (MSNP-ATR-Dfer Paniqui), Mario Villamor/Ed Aparri/Atty. Art de Castro (Phoenix-II), Greggy Norman o Lim/Jimmy D. Cacayan (Anak ni Pepe NSL) at Robert Balajadia (RB Guam JM).

May tig-3.5 puntos naman sina Nelson Uy/Theo James (Alleginat), Mayor Jesry Palmares/Charlie Chan/Moises Villanueva (Archangel Fisacalizer), Cito Alberto/R. Yam (Deep Impact-B), Atty. Amante Capuchino (Deong-1), Willar Ty/Ricky Magtuto (JVS Camsur Ahluck-1), Experto GFP/Celso Evagelista/Nathan Jumper (Longscore-Filipinas USA Comb.), Jun Villanueva/Edwin Dimagiba (Manila Teachers Partylist-2), Lito Orillaza/Shio (Partner’s-I), Jaucian Bros./Patrick Villaon/Rolo Orquico (SV Rolco Mastermind), Atty. Art de Castro/Walter Ozaeta (Thunderbee Angry Bird) at Joey delos Santos (Toni & Grace-1).

Ang 2016 World Slasher Cup-1 ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, BMeg at Petron.