Dahil sa pakikipagtulungan ng kanilang mga ama, naibalik sa selda ang dalawa sa limang pumuga sa Mataas na Kahoy, Batangas, kamakailan.

Isinuko ng kanilang mga ama sina Erwin Kalalo at Nikko Raphael Malaluan, dakong 5:45 ng hapon nitong Sabado, sa harap ng Tambo Elementary School sa Lipa City.

Una nang naaresto si Roy Jasper Gonzales sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Barangay Maraouy, Lipa City.

Inaresto rin ng pulisya ang kaibigan ni Malaluan na si Mary Ann Togonon, 32, na umano’y tumulong sa mga suspek na makatakas at isinakay ang mga pugante sa kanyang Toyota Rav4 patungong Cavite.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nakuhanan pa umano ng drug paraphernalia si Togonon nang arestuhin sa Villa De Lipa, Bgy. Maraouy sa lungsod.

Pinaghahanap ang isa pang pumuga na si Marjun Villaluz, na may kasong robbery, at ang kapatid nitong menor de edad.

Madaling araw ng Pebrero 5 nang tumakas ang mga bilanggo sa himpilan ng Mataas na Kahoy Police. - Lyka Manalo