Arestado ang isang binata matapos siyang ireklamo ng sariling ina ng pambubugbog sa huli gamit ang kawayan, sa Taal, Batangas.

Nakuhanan pa umano ng isang sachet ng shabu nang maaresto si Ian Manito, 25, taga-Barangay Iba sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), pasado 3:00 ng hapon nang inaresto nitong Biyernes ang suspek matapos umanong bugbugin ang kanyang inang si Daisy Manito, na pinaghahampas niya sa likod gamit ang kawayan.

Nahaharap sa kasong attempted parricide at paglabag sa Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang suspek. (Lyka Manalo)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget