LIZA, ENRIQUE AT SUNSHINE_please use the big one copy

MASAYANG-MASAYA si Sunshine Cruz nang dumating sa 9501 Restaurant last Wednesday para presscon ng pinakabagong teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan ng pinakasikat na love team ngayon na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Aniya, first time kasi niyang a-attend ng presscon under ABS-CBN. Kung ilang beses nang napasama si Sunshine sa mga show ng Kapamilya Network ito ang unang pagkakataon na haharap siya sa presscon.

Pero nagdalawang-isip pala siyang tumulong sa presscon dahil nakarating na sa kanya nang mismong araw na ‘yun ang pagbasura ng korte sa kasong “child abuse” na isinampa niya laban sa dating asawang si Cesar Montano.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Ang hirap lang kasi kung kelan a-attend ako ngayon ng presscon, eh, saka naman inilabas nila na nabasura ang child abuse case. Two weeks ago na ‘yan, eh,”naiiling na kuwento ni Shine nang makausap namin.

May nagsabi na maaaring may gustong makisakay sa serye nilang Dolce Amore, pero ayaw magkomento ni Shine hinggil dito.

Sa isang presscon ng dating asawa niya ay nabanggit daw na tipong kapag manipis ang ulap ay nangangahulugan na hindi na cloudy kaya maaliwalas na ang panahon nito ngayon. Patama na raw iyon ni Cesar dahil sa pagkabasura ng kasong inihain ni Sunshine.

Ano ang komento niya rito?

“Well, ang sagot ko lang, eh, kaya siguro manipis ang ulap dahil may parating nang Dolce Amore,” napatawang sagot ni Shine.

Iaapela pa rin naman daw niya ang naturang kaso.

“Bahala na ang lawyer ko tungkol diyan. Kasi sa totoo lang, eh, kahit may mga gusto pa akong sabihin, eh, hindi puwede talaga dahil may gag order. Hangga’t maaari talaga sana, eh, ayokong magsalita pero napilit ninyo ako,” halos maluha-luhang pahayag ng aktres.

Ilang tulog na lang ay Valentine’s Day na, sino ang makasasama ni Sunshine sa araw na ‘yun?

“Well, tatlong taon na tayong walang ka-date pagdating sa araw na ‘yun. Pero isasama ko na lang ang mga anak ko sa guesting namin sa ASAP. Nagkataon din kasi na Linggo ‘yun at tiyempong lahat kaming cast ng Dolce Amore, eh, guest ng show,” sagot ng aktres.

Wala ba siyang manliligaw ngayon?

“Magiging sinungaling naman ako kung sasabihin kong wala. Meron din naman. May mga naglakas ng loob pero ‘di ko naman type. Kumbaga, wala pa sa kanila ang talagang gusto ko. Kaya ‘pag ‘di mo gusto, eh, dispatsahin mo na agad.

“Dapat na ‘wag na natin silang paasahin. Kumbaga, kung alam mong it doesn’t work, eh, ‘wag nang ipagpilitan,” malamang pangangatwiran ng aktres.

Nagkaroon na ba siya ng trauma na ngayon ang isang Sunshine Cruz sa nangyari sa kanila ng dati niyang asawa?

“Well, hindi naman. Napakasarap yatang umibig. Pero sa ngayon talaga, eh, wala pa, eh. I deserve to be happy din naman. ‘Yung mga anak ko nga, eh, talagang sinasabi nila sa akin na dapat ma-in love na raw ako. I deserve to be happy naman daw sabi nila sa ‘kin, pero wala pa talaga, eh,” banggit pa ni Sunshine.

Ano ang masasabi ni Sunshine sa tsismis na may bagong kapatid na raw ang tatlong anak niya kay Cesar. May tsika kasi na nanganak na raw ang sinasabing na-link sa actor.

“Meron na ba? Eh, di wow,” napatawang sagot ng aktres. “Basta sa akin, eh, masaya na ako dito sa ABS. Masaya ako sa mga ibinigay nilang projects at napakaganda ng role ko na naman dito sa Dolce Amore. Pero kagaya nga ng sinabi ko na, eh, we both deserve to be happy din naman.

“Kung totoo naman ‘yan na may bagong kapatid na ang mga anak ko, eh, I have to accept. We have to accept. Kung totoo man talaga ‘yan, eh, karapatan din naman niyang lumigaya bilang isang tao. Ako naman, eh, very proud sa mga anak ko.

At talagang maipagmalaki mo ang achievement nila sa school,” sey ni Shine. (JIMI ESCALA)