INABSUWELTO ng Quezon City Prosecutor’s Office si Cesar Montano sa reklamo ng dating asawang si Sunshine Cruz na child abuse (R.A. 7610) at Anti-Violence Against Women and their Children (R.A. 9262).

 

Ibasura ni Assistant City Prosecutor Ferdinand Baylon ang dalawang kaso na isinampa ng aktres noong Pebrero 2015.

Ang usapin ay nag-ugat nang ireklamo ni Cruz si Montano na umano’y “nagparaos” sa harapan ng kanilang mga anak na babae noong Nobyembre 16, 2014.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

 

Ayon sa record ng kaso, nagresulta umano ito ng “distress, psychological, and emotional violence” kay Sunshine at sa mga anak nila ni Cesar.

 

Kabilang sa mga ebidensyang iniharap ng aktes ang mga sulat ng kanyang anak sa umano’y kalaswaan ng aktor.

 

Sinabi naman ni Baylon na walang probable cause upang idiin sa kaso si Montano.

 

“The complainant failed to produce any evidence which would engender a well-founded belief that respondent herein indeed masturbated in front of his daughters and thus caused them emotional and psychological distress. Since the victims here were the children, it was imperative upon the complainant to at least present them and have them authenticate their letter’s complaints,” nakasaad sa isang bahagi ng resolusyon ni Baylon.

 

Sinabi pa ni Baylon na hindi iniharap ni Cruz sa piskalya ang mga anak niya na nakasaksi sa “kalaswaan” ni Montano.

Inihayag din ni Baylon na pawang hearsay lamang ang alegasyon ng aktres dahil wala itong personal knowledge sa umano’y insidente ng “kalaswaan” ng dating mister. (ROMMEL TABBAD)