canelo-alvarez-miguel-cotto-ap copy

LONDON (ap) — Bigo mang makuha ang laban kontra kay 8-division world champion Manny Pacquiao, nakasiguro naman si British boxer Amir Khan para sa isang world-class title fight.

Ipinahayag nitong Martes (Miyerkules sa Manila) ng Golden Boy Boxing Promotion ni Oscar dela Hoya, na selyado na ang pagdepensa ni WBC middleweight champion Saul Alvarez laban kay Khan, nagpataas ng dalawang weight division, sa Mayo 7 sa Las Vegas.

Galing si Alvarez sa unanimous point decision kontra Miguel Cotto noong Nobyembre. Ang tanging kabiguan ng 25-anyos na Mexican sa 48 na laban ay nagmula kay Floyd Mayweather noong 2013.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito ang unang laban ni Khan, dating world light-welterweight champion at sparring mate ni Pacman, mula ng manalo kay Chris Algieri noong mayo.