CAMP JOAQUIN DULNUAN, Ifugao - Patuloy na pinaghahanap ng mga rescue team ang isang barangay kagawad na iniulat na nalunod nitong Sabado ng hapon sa ilog sa bayan ng Lamut sa lalawigang ito.

Nabatid kay Senior Supt. Constancio Chinayog, director ng Ifugao Police Provincial Office, na dakong 5:00 ng hapon noong Sabado nang itawag sa Lamut Municipal Police ang pagkalunod ni Riky Culdi Fajardo, 45, kagawad ng Barangay Burnay, Lagawe, dakong 1:00 ng hapon sa ilog sa Sitio Compra, Bgy. Pugol sa Lamut.

Ayon kay Chinayog, kasama ng kagawad ang pitong pinsan nito para mag-picnic sa lugar nang mangyari ang insidente.

(Rizaldy Comanda)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol