Magbabalik sa loob ng ring ang kaliweteng si IBF No. 7 at WBC No. 9 super featherweight Eden Sonsona sa Mandaluyong City Gym, na dating pinagdarausan ng mga laban ni eight division world champion Manny Pacquiao, para makasagupa ang beteranong si Vergel Nebran sa Gerry Penalosa Promotions card sa Pebrero 12.

Huling ikinasa ni Sonsona, alyas “Mr. Showboat,” ang malaking upset sa bisa ng 2nd round technical knockout kontra sa dating walang talong Mexican prospect na si Adrian Estrella upang masungkit ang bakanteng WBC super featherweight silver title sa harapa ng mga nagulat na hometown crowd sa Auditorio Miguel Barragan sa San Luis Potosi, Mexico noong Mayo 16 ng nakaraang taon.

Tinukoy ni WBC President Mauricio Sulaiman ang tagumpay ni Sonsona na isang “unbelievable knockout” sa labang ikinasa ni Gabriel “Bebot” Elorde.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon naman kay Elorde, humihirit ang Mexican promoter ng rematch at nakikipagnegosasyon siya ngayon para sa mas malaking premyo kaysa naunang offer na $15,000.

“Estrella’s (20 knockouts in 21 wins) loss was merely a bad day at the office, but he'll get up, sit down, do his homework and he'll learn from this, not allowing it to dent his confidence- and he will fulfill his ambition of becoming WBC world Champion,” ayon sa ulat ng WBC website.

“I think that his blow came during a moment in which I wasn't focused enough. I lost my head and then I paid a high prize for my over confidence,” sabi ng 22 anyos na si Estrella.

Samantala, ito naman ang unang laban ng 26 anyos na Sonsona simula nang talunin niya si Estrella noong nakaraang taon. Hindi niya binabalewala ang kakayahan ni Nebran dahil nakasagupa na nito ang mga dating world champion na sina Cristian Mijares, Tomas Rojas, undefeated Rey Vargas at Jessie Magdaleno. (Gilbert Espeña)