TARLAC CITY - Halos magkabuhul-buhol ang trapiko sa highway ng Barangay San Roque sa siyudad na ito makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek ang isang operatiba ng San Clemente Police.

Malubha ang tama ng bala sa ulo na natamo at ikinamatay ni PO3 Jessie Cabanlong, 50, may asawa, ng Barangay Militar, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Dakong 10:30 ng umaga at tumatawid si Cabanlong sa highway nang barilin siya sa ulo ng hindi nakilalang suspek, na umangkas sa isang motorsiklo para makatakas. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog