PANIUI, Tarlac — Kinulimbat ng mga hindi nakilalang kawatan ang 10 sako ng bigas na Super Angelica Rice sa isang bigasan sa Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Novea Anne Fabian, 27, may-ari ng Fabian Rice Center, nagkakahalaga ng mahigit P10,250 ang ninakaw na bigas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isinara nina RJ Christ Tongol, 22, namamahala sa tindahan, at katulong na si Errol Facun, 22, ang bigasan dakong 2:30 ng hapon, at nagtungo sa Baguio City para sunduin si Fabian.

Subalit pagbalik nila sa Paniqui, Tarlac ay natuklasan nilang ninakawan ang bigasan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae