BEIRUT, Lebanon (AFP) – Naglabas ang grupong Islamic State noong Linggo ng video na nagpapakita sa siyam na jihadist na sangkot sa Paris attacks noong Nobyembre na ikinamatay ng 130 katao.

Ang video na ipinaskil sa jihadist websites ay pinamagatang “Kill wherever you find them”, at nagpapakita sa apat na Belgian, tatlong French citizen at dalawang Iraqi na sinasabing responsable sa mga pag-atake.

Sa video, sinabi ng mga jihadist, nagsasalita sa French at Arabic, na ang kanilang “message is addressed to all the countries taking part in the (US-led) coalition” na lumalaban sa IS sa Syria at Iraq simula Setyembre 2014.

Ipinakita rin sa footage ang litrato ni British Prime Minister David Cameron na sinamahan ng mga katagang: “Whoever stands in the ranks of kufr (unbelievers) will be a target for our swords.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ni President Francois Hollande na hindi mahahadlangan ng video ang paglaban ng France sa terorismo. “Nothing will deter us, no threat will make France waver in the fight against terrorism,” aniya sa mamamahayag sa New Delhi sa India.

Inilalarawan ng video, ginawa ng Al-Hayat Media Centre ng IS, ang mga umatake bilang “lions” na nagpaluhod sa France.