Magbibigay ng special video message si Pope Francis sa may 12,000 delegado ng 51st International Eucharistic Congress (IEC), na sinimulan kahapon sa Cebu City.
Ayon kay Archdiocesan Spokesman Monsignor Joseph Tan, ang mensahe ng Papa ay mapapanood ng mga delegado sa closing mass at ceremonies ng IEC sa Linggo, Enero 31.
Dahil sa abalang schedule, hindi nakadalo ang Papa sa IEC sa Cebu, ngunit nagpadala siya ng sugo o papal legate sa katauhan ng bagong Cardinal na si Charles Maung Bo, ng Burma.
Pinangunahan ni Cardinal Bo ang pagdiriwang ng opening mass ng IEC kahapon, katuwang si Cebu Archbishop Jose S. Palma, 1,500 pari, 200 obispo at 10 cardinal, sa Plaza Independencia.
Siya rin ang inaasahang mangunguna sa closing mass sa Linggo. - Mary Ann Santiago