VILMA_ANGEL copy copy

KUNG tutuusin mas madilim ang pinagdaanang landas ni Gov. Vilma Santos kumpara sa mga pinagdaanan ng kanyang panganay na si Luis Manzano.

Ayon kay Ate Vi, dumating sa punto ang kanyang buhay na wala siyang malapitan sa panahon ng kanyang kagipitan lalo na noong bumagsak ang kanyang finances at may malaki pang utang sa BIR.

Tandang-tanda ni Ate Vi noong mga panahon na gayong hindi pa nga niya nasisimulang gawin ang isang pelikula ay naibayad na ang talent fee niya sa kanyang pagkakautang.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero sadyang parang gulong ang buhay, kung minsan ay nasa ilalim at minsa’y nasa ibabaw.

“Naiintindihan ko si Luis, kaya ako bilang nanay nandito lang para i-guide siya. Dahil alam ko kung ano ang pinagdaanan niya noon. At bilang ina, marami rin siyang ginawa na nakaka-stress talaga,” sabi ni Ate Vi nang minsang makausap namin nang masinsinan sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo ng Batangas.

Maraming naikuwento sa amin si Ate Vi tungkol sa mga kalokohang sinuong ni Luis. Pero ang lahat ng napagdaanang iyon ng actor ay nagsisilbi nang giya nito ngayon sa kanyang kasalukuyang buhay.

Kaya hindi na kami nagulat pa nang aminin ng butihing ina nina Luis at Ryan Christian at ng Batangas sa presscon ng Everything About Her ang tungkol sa pagiging rebeldeng anak ng una. Pero kahit naging palabang anak si Luis ay hindi ito dumating sa puntong nag-drugs at nanakit ng ibang tao.

Aminado si Ate Vi na malaki ang epekto ni Angel Locsin sa buhay ni Luis. Magandang ehemplo umano ang dalaga sa kanyang binata.

“Sana nga sila na at kung maging sila, eh, nasa mabuting kamay ang aking anak dahil napakabuting tao ni Angel.”

Sa totoo lang, iyong mga papuri ni Ate Vi kay Angel Locsin sa presscon ng pelikula nila ay kapiranggot lang kung paano iangat ng Star for All Seasons ang dalaga tuwing makakausap namin siya nang masinsinan.

 

Bukal sa puso ni Ate Vi ang pagsasabing hindi lang magaling na artista si Angel kundi mabuti ring tao na mapapagkatiwalaan bukod pa sa may puso para sa maliliit na tao.

Mas magiging masaya si Ate Vi kung magkakatuluyan sina Angel at Luis at agad siyang mabibigyan ng apo, lalo’t name-miss na raw niyang mag-alaga ng munting angel sa bahay.

“Ay, huwag muna kay Ryan, masyadong bata pa ang anak kong ‘yan. dapat ‘yung kuya muna niya. Si Luis muna ang unang mag-asawa,” sabing binirahan ng tawa ng mahusay na actress/public servant.

Pero may malaking problema. Naghiwalay at nagkabalikan na’t lahat sina Angel at Luis ay wala pa rin siyang naririnig na salitang kasal sa dalawa. Parang mas ini-enjoy daw nina Luis at Angel ang kani-kanilang career kesa sa kanilang lovelife.

Samantala, sa presscon ng Everything About Her, mabilis na sinabi ni Ate Vi na malayung-malayo ang kanyang personalidad ang role na ginagampanan niya. Inilarawan niyang mala-impakta ang pag-uugali ng karakter niya sa pelikulang handog ng Star Cinema.

Mapapatunayan naming tila anghel sa kabaitan ang Star for All Seasons. (MORLY ALINIO)