Mga laro sa Sabado

San Juan Arena

9 a.m. – DLSZ vs UPIS

11 a.m. – AdU vs FEU

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

1 p.m. – UST vs NU

3 p.m. – UE vs Ateneo

Umiskor si John Lloyd Clemente ng 18 puntos at nagdagdag naman si Justine Baltazar ng double-double 15 puntos at 11 rebounds upang pangunahan ang National University sa pag-angkin sa unang Final Four berth matapos ang 67-51 panalo kontra Far Eastern University-Diliman, kahapon sa UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Hindi pa natatalo matapos ang unang sampung laro, nasa direksiyon ngayon ang Bullpups na makamit ang isang outright championship berth sakaling tuluyan nilang mawalis ang nalalabi pang apat na laro sa elimination round.

Sa isa pang laban, muli namang nagpakita ng kanyang all-around game si Aljun Melecio na nagtala ng 22 puntos, 11 rebounds, 5 assists at 3 steals para muling pamunuan ang De La Salle-Zobel sa paggapi sa defending champion Ateneo, 80-73,upang maitala ang 2- larong kalamangan sa Blue Eaglets para sa kanilang labanan sa ikalawang twice-to-beat slot sa semifinals.

Dahil sa panalo, ganap na nawalis ng Junior Archers ang Blue Eaglets sa kanilang head-to-head sa eliminations para sa ikawalo. nilang panalo kontra dalawang talo.

Pinalakas din ng Adamson University ang tsansang umusad sa Final Four round kasunod ng kanilang 80-26 paglampaso sa University of the East, habang naitala naman ng University of the Philippines Integrated School ang ikalawa nilang panalo ngayong season matapos pataubin ang University of Santo Tomas, 82-71.

Nagtala ng pinagsamang 33 puntos ang mga Baby Falcons reserves na sina Ferdinand Asuncion, Rence Padrigao at Raygan Santos para ma-outscore ang buong Junior Warriors squad at maiposte ang kanilang ikaanim na panalo sa 10 laro.

Dahil sa panalo, tumabla rin ang Adamson sa Ateneo sa ikatlong puwesto.

Bunga naman ng kanilang pagkabigo ay nalagay naman sa alanganin ang tsansang makarating ng semifinals ang Baby Tamaraws sa pagbaba nito sa barahang 5-5, panalo-talo.

Tuluyan namang nagpaalam sa kanilang pag-asang umabot ng Final Four ang Tiger Cubs matapos mahulog sa 3-7, panalo-talong baraha, habang nanatiling walang panalo ang UE sa loob ng 10 laro. (Marivic Awitan)