ALIAGA, Nueva Ecija — Isang kagawad ng barangay ang nahulihan ng baril ng pinagsanib na puwersa ng Aliaga Police Provincial Public Safety Company (PPSC) at 3rd Infantry Batallion ng 7th ID sa isang checkpoint sa Barangay Bucot ng bayang ito, kamakalawa.

Sa ulat ni P/Insp. Reynaldo Lopez, dakong 6:30 ng gabi nang parahin nila ang minamanehong Nissan van (RMM-235) ni Alexander Corpuz y De Jesus, 34, ng Bgy. Poblacion East, security guard ng isang mall sa Cabanatuan City, para sa inspeksiyon.

Nakuha kay Corpuz ang isang cal. 45 pistol ngunit wala siyang maipakitang papales kayat inaresto siya at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code o Gun Ban. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog