BAGUIO CITY – Isang miyembro ng Bahala na Gang, itinuturing na ikatlong biktima ng hinihinalang summary execution, ang natagpuang patay sa madamong lugar sa South Drive, Baguio City.

May saksak sa leeg ang biktima na nakilalang si Romulo dela Cruz, 28. May tattoo itong dragon sa kaliwang braso, tatak na “BNG” sa likod at salitang “mandu” sa tiyan.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ni De la Cruz dakong 5:30 ng umaga nitong Miyerkules. May hinala silang kalaban ng biktima ang suspek sa krimen.

Sa rekord ng pulisya, si De la Cruz ay kinasuhan ng pickpocket noong 2006, 2011 at 2012. (Rizaldy Comanda)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae