MOGADISHU (AFP) — Dalawampung katao ang pinaslang ng mga militanteng Islamist Shebab ng Somalia sa pag-atake sa isang bantog na seaside restaurant sa kabiserang Mogadishu, kinumpirma ng pulisya nitong Biyernes.

‘’They killed nearly 20 people, including women and children,’’ sabi ni Somali police officer Mohamed Abdirahman.

Pinasabugan ng limang armadong suspek ang restaurant bago ito pinasok noong Huwebes ng gabi at pinagbabaril mga naghahapunang tao sa loob.

Inako ng Al-Qaeda-linked Shebab ang pag-atake na ikinamatay din ng apat nilang tauhan, at isa ang naaresto.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo