HONOLULU (AP) — Sinabi ng 27 dating mga estudyante sa isang inihaing kaso noong Martes na paulit-ulit silang minolestiya ng namayapa nang psychiatrist sa isang private school para sa mga Native Hawaiian.

Kinakasuhan ng mga biktima ang Kamehameha Schools at ang estate ng psychiatrist na si Robert Browne, na ayon sa kanila ay nangmolestiya sa kanila sa mga therapy session mula 1958 hanggang 1985.

Ayon sa mga biktima, batid ng Kamehameha Schools ang tungkol sa mga alegasyon sa nakalipas na 25 taon ngunit wala itong ginawang aksyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina