Pinaghahanap ng Quezon City Police District Anti Carnaping Unit ang isang suspek sa panghoholdap at pagtangay ng isang taxi sa Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Diego Abulug, 62, residente ng lungsod, at driver ng taxi na may plate number UWF-609.

Dakong 3:00 ng madaling araw nang sumakay sa taxi ni Abulag ang suspek sa Adriatico, Maynila at nagpahatid sa Capitol Hills sa Old Balara, Quezon City.

Pagsapit sa Tandang Sora ay pinahinto ng suspek ang taxi, tinutukan ng baril ang driver at kinuha ang P2,000 kita sa pamamasada at cellphone nito bago pinababa at pinaharurot ang sasakyan.

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Inilarawan ng biktima ang suspek na may katabaan, bilugan ang mukha at tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos.

(Jun Fabon)