Ang madugong gun-and-suicide bomb attack na inako ng Islamic State sa central Jakarta ay nagpapakita sa lawak ng naabot ng jihadi network mula sa labas ng kanyang base sa Middle East.
Ang pag-atake sa Starbucks café at sa isang police post sa Indonesia, hindi man sophisticated, ay una sa Southeast Asia na iniutos o naging inspirasyon ang IS, at kasunod ng ilang buwang babala ng security official na banta sa rehiyon ang mga miyembro nito.
“Paris in November, Istanbul this week and Jakarta today,” sabi ni Hugo Brennan, Asia analyst sa Verisk Maplecroft, noong Huwebes. “This latest attack can be seen as further evidence of Islamic State’s increasing ability to inspire deadly attacks in cities around the globe.”
Binalaan na ang mga lider ng Southeast Asia sa mga panganib ng Islamic State — mula sa mga lokal na nagtutungo sa Middle East para lumaban at naghahangad na ipamalas ang kanilang nakamamatay na kahusayan sa sariling bayan — o mula sa radicalization sa malayo. Nasaksihan din ng rehiyon, tahanan ng halos 15 porsiyento ng 1.57 bilyong Muslim sa mundo, ang mga pag-atake ng mga lokal na militanteng grupo sa katimogan ng Thailand at katimogan ng Pilipinas, na naghahangad ng kalayaan.
Ang Jakarta attack ay plinano ng isang militanteng Indonesian na nagngangalang Bahrun Na’im, pinaniniwalaang nasa Syria at mula roon ay minamanduhan ang isang Indonesian militant brigade, sinabi ni Jakarta Police Chief Tito Karnavian noong Huwebes.
Sinabi ni Australian Attorney-General George Brandis noong nakaraang buwan na tinukoy ng Islamic State ang Indonesia bilang lokasyon ng “distant caliphate.” Inaambisyon ng grupo “to elevate its presence and level of activity in Indonesia, either directly or through surrogates,” aniya sa pahayagang The Australian.
Nakatanggap ang Indonesian authorities ng banta mula sa Islamic State noong Disyembre na ilalagay nito sa international spotlight ang Jakarta, iniulat ng Metro TV. (Bloomberg)