Inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa Manama, Kingdom of Bahrain ang official Facebook page nito na “Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian ng Bahrain.”

Layunin nitong maipalaganap ang mga opisyal na ulat at impormasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa Manama, Department of Foreign Affairs (DFA) sa Manila at ibang ahensiya mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Hinikayat ng Embahada ang mga Pilipino sa Bahrain na subaybayan ang official Facebook page nito at magbahagi ng kanilang mga pananaw, magbigay ng komento at mungkahi upang mapabuti ang serbisyo ng embahada. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter