Nakatikim ng maagang kabiguan ang St. Paul College-Makati nang pataubin sila ng Young Achievers’ School habang naging mainit naman ang panimula noong nakaraang linggo sa 20th Women’s Volleyball League sa Xavier School gym.

Malaking panalo ang naitala ng Young Achievers nang gapiin nito ang 13-Under Developmental Division’s defending champion St. Paul, 25-17, 25-19 sa Group B, para samahan ang School of the Holy Spirit-QC at St. Scholastica College-Manila sa winners’ bracket.

Nagsipagwagi rin noong unang araw ang Colegio San Agustin-Makati at St. Pedro Poveda College sa Group A sa torneong inorganisa ng multi-awarded Best Center at itinataguyod ng Milo.

Ang iba pang mga koponang nanalo sa iba’t-ibang kategorya ay ang mga sumusunod:

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

13-Under Competitive—CSA-Makati, Escuela de Sophia of Caloocan City at King’s Montessori.

17-Under Developmental Division- (Group A) San Antonio de Padua College, Sisters of Mount Carmel Catholic School and the Seed Montessori; (Group B) Immaculate Heart of Mary College; (Group C) St. Raphaela Mary School and St. Theresa’s College; at (Group D) School of the Holy Spirit-QC at St. Scholastica’s College-Manila.

17-Under Competitive Division—(Group A) San Pedro Relocation Center National High School at St. Dominic Salvo College; (Group B) CSA-Makati at The Academy of God’s Children School; (Group C) King’s Montessori at Malabon National High School; at (Group D) Jubilee Christian Academy and Holy Family School-QC.

Samantala, tumatanggap pa ang mga kalahok para sa isinasagawang tatlong basketball clinics ang BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa Ateneo courts tuwing Sabado para sa Preparatory Level and Levels 1-5, mula 8:30 hanggang 11:30 ng umaga; Xavier School gym mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon para sa Preparatory Level and Level 1-3 at sa Starmall sa Alabang tuwing Linggo mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon para sa Preparatory Level and Levels 1-3.