LUIS copy

MULING magkasama sa Pilipinas Got Talent sina Luis Manzano at Billy Crawford. Ayon kay Luis, masayang-masaya siya dahil nabigyan ulit sila ng kaibigan niya ng pagkakataon na magsama sa isang TV show.

Hindi lang matalik na magkaibigan ang turingan nila ni Billy kundi magkapamilya o halos magkakapatid na.

“Masaya ako dahil magkasama na naman kami sa show na kagaya ng mga nagawa namin before. Well, I get to spend time my brother Billy,” sabi ni Luis.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ilang buwan na ang nakararaan ay magkaroon ng intriga nang palitan ni Luis si Billy bilang host sa Celebrity Playtime. Ngayong pinagsama uli sila sa PGT, magkakaalaman na ba kung sino talaga sa kanila ang magaling na host?

“Well, stop na natin ang isyu na ‘yan. We are both doing our job. Pareho naming ibinigay ang alam naming the best namin. So please ‘wag na ang ganyan,” pakiusap ni Luis.

Makakasama rin ni Luis sa show, bilang isa sa mga hurado, ang girlfriend niyang si Angel Locsin. Naging vocal si Luis noon pa na umiiwas silang magsama sa iisang project. Ano ang masasabi niya ngayong magkasama sila sa PGT?

“We still have to be professionals. First and foremost, we have to be professional at nagkataon lang na pinili kami to work with each other,” tugon ng panganay ni Gov. Vilma Santos.

Nang banggitin namin na tiyak na kikiligin ang fans nila ni Angel, agad sinabi ni Luis na hindi naman sila ang dapat bigyan ng pansin kundi ang magagaling na contestants na maglalaban-laban.

“Sila dapat ang bida dito at hindi ang relationship namin ni Gel, Pinaghirapan nila ito. Kumbaga, ang hirap makapasok, kaya sila ang dapat na bida talaga,” salag ng actor at TV host.

Samantala, sasamahan ni Luis si Angel sa premiere night ng pelikulang Everything About Her na unang nitong pagsasama at ng kanyang Mommy Vi with Xian Lim.

“Siyempre, not only because, andu’n si Angel, kasama rin ang mommy ko, kaya dapat lang na susuporta ako all the way,” sey pa ni Luis. (Jimi Escala)