Patay ang isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Buldon sa Maguindanao matapos barilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Cotabato City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng Cotabato City Police Office (CCPO), rido at pulitika ang sinisilip sa pagpatay kay Macawali Saranga, 38, may asawa, ng nasabing bayan.

Ayon kay Senior Supt. Raul Supiter, hepe ng CCPO, si Saranga ay tumatakbong municipal councilor ng Buldon.

Sa ulat ng pulisya, dakong 7:20 ng gabi, nakatayo ang biktima sa harap ng Cotabato General Hospital sa Don Rufino Alonzo Street, Cotabato City, na roon niya dinala ang kanyang may sakit na asawa, nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang suspek at binaril sa ulo gamit ang kalibre .45.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo palabas ng Cotabato City.