QUEZON, Nueva Ecija - Saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng isang 18-anyos na binata mula sa nakaalitang niya sa kalsada noong Linggo ng madaling-aaraw sa municipal road sa bayang ito.

Sa ulat ni Senior Insp. Jay Cabrera, kinilala ang biktimang si Christopher Dale Villacorta Joson, residente ng Purok 3, Barangay Bertese, Quezon.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Jess Abalos, dakong 2:00 ng umaga at sakay sa motorsiklo si Joson kasama si Rodel Agustin Pineda, 18, ng Gapan City, nang dikitan sila ng mga naka-motorsiklong salarin na kinabibilangan ni John Denver Sarabia Ramirez, alyas “Kokok”, 18, ng Ilog Baliuag sa bayang ito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kasama ni Ramirez ang dalawang hindi nakilalang lalaki.

Nagkairingan ang dalawang grupo na humantong sa pagtatalo at suntukan.

Kalaunan, bumunot ng patalim ang isa sa mga suspek at pinagsasaksak ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Sto. Domingo District Hospital.

Nakatakas naman ang mga suspek. (Light A. Nolasco)