VICTORIA, Tarlac - Nagmistulang dagat-dagatang apoy ang pamilihang bayan sa bayang ito matapos itong maabo sa Barangay San Gavino, Victoria, Tarlac.

Sa report ni SFO4 Fernando Duran, municipal fire marshal, aabot sa mahigit P12-milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na nagsimula dakong 10:25 ng gabi nitong Linggo, at naapula bandang 3:20 ng umaga.

Ayon sa fire investigators, nagsimula ang sunog sa RJ Mini-Mart sa Victoria Public Market at agad na kumalat ang apoy sa mga katabing stall.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Patuloy pang nagsisiyasat ang Victoria-Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Matagal nang hangad ng mga concerned citizen na maisaayos ang nasabing palengke, partikular ang mga stall dito.

(LEANDRO ALBOROTE)